
Kinokonsidera ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group (PNP – AKG) na case-solved na ang insidente ng pagdukot at pagpatay sa dating Abuyog, Leyte Vice Mayor na si James Bohol at sa anak nito.
Ayon kay AKG Director PBGen. Edwin C. Balles, kinokonsidera nila ito base na rin sa criteria ng case-solved and cleared kung saan sila ngayon ay sumasailalim sa dokumentasyon kasama na dito ang extrajudicial confession pati na ang karapatan ng mga ito na pumili ng kanilang magiging counsel.
Ayon naman kay Balles, posibleng makasuhan din ng kasong kidnapping ang nasabing mga suspek ngunit ito ay nakadepende sa evaluation ng prosekyusyon.
Aniya, kaya 2 counts of murder inilagay sa kaso ng mga suspek ay dahil nakita na ang bangkay ng nasabing mga biktima.
Ayon sa ulat ng pulisya ang mga biktima ay dinukot sa kanilang warehouse noong June 27 at nakita ang kanilang mga bangkay sa isang masukal na bangin sa gilid ng kalsada sa Barangay Imelda, Silago, Southern Leyte.










