Kulang na kulang pa rin umano ang bilang ng mga security guards na naka-posisyon upang sapat na mabantayan ang bawat mag-aaral at nagsisilabas-pasok sa loob ng mga pampublikong paaralan.
Dahil dito, nagsasagawa na ng mas pinaigting na seguridad ang mga paaralan tulad sa Dagupan City kung saan kamakailan ay nagbaba ang District 9 & 10 ng SDO Dagupan City ng Memorandum Order para sa safety measures sa mga paaralan sa sekondarya.
Ayon kay Dr. Edwin Ferrer, Public Schools District Supervisor DepEd SDO Dagupan City Districts 9 & 10, inatasan ang mga punong-guro, department heads, master teachers, teachers at koordinasyon sa mga barangay official at hanay ng PNP para sa pagtitiyak sa kapakanan ng mga mag-aaral.
Sa Dagupan City National High School, may mga security guards umanong nakatoka sa pagbabantay sa paligid ngunit may iba ring personnel tulad ng mga janitor ang tumutulong para mas mapaigting ang seguridad sa loob ng paaralan.
Samantala, sa buong bansa, nasa 200 security guards lamang ang nakaposisyon sa 48,000 na pampublikong paaralan sa bansa, ayon kay Department of Education Secretary Sonny Angara. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








