PNP, bumuo na ng special investigation task group hinggil sa nangyaring pagpapasabog sa isang bus sa Tacurong City, persons of interest tukoy na rin ng Pambansang Pulisya

Bumuo na ang Philippine National Police (PNP) ng isang special investigation task group hinggil sa nangyaring pagpapasabog sa isang unit ng Yellow Bus Lines Inc., sa Purok Duranta, Barangay Poblacion, Tacurong City, kahapon ng umaga.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo layon ng task force na magsagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa nangyaring pag-atake kung saan 1 ang napaulat na nasawi habang 11 naman ang sugatan.

Sinabi pa ni Col. Fajardo na mayroon na rin silang persons of interest.


Nabatid na 2 beses nang pinasabugan ang Yellow Bus Lines Inc., at ang motibo ay extortion o pangingikil.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng hot pursuit operations ang PNP katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) upang mahuli ang sinumang may gawa ng krimen.

Facebook Comments