
Posibleng maharap sa parusa ang pamunuan ng Ateneo de Manila University (ADMU) sakaling mapatunayan na may naging paglabag ito sa pagkuha kay Tab Baldwin bilang head coach ng Men’s Basketball Team.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis Tolentino, ito ay dahil sa pagkabigo ng Ateneo na magkaroon ng valid work permit sa kanilang foreign employees.
Sa Lunes, pinahaharap ni Tolentino si Baldwin para alamin kung may valid alien employment permit si Baldwin at kung ano ang mga saklaw nito sa kaniyang pagiging head coach.
Maaari din aniyang kasuhan ang unibersidad dahil sa illegal employment sa ilalim ng Labor Code.
Samantala, wala pang impormasyon kung natanggap na ng Department of Justice (DOJ) ang request ng abogado ng nasawing basketball player na si Rene Baterbonia para sa Immigration Lookout Bulletin Order laban sa Ateneo head coach.
Sinabi ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez na makikipag-ugnayan pa muna siya kay Justice Secretary Eric Vida kaugnay rito.










