Saturday, June 6, 2026

Cong. Ridon, pinabulaanan ang alegasyong tumanggap umano siya ng “maleta”

Mariing pinabulaanan ni Congressman Terry Ridon, miyembro ng House Prosecution Team, ang alegasyong tumanggap umano siya ng maleta na naglalaman ng pera kapalit ng pagsuporta sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Giit ni Ridon ngayong Sabado, June 6, hindi umano nabanggit ang kanyang pangalan sa orihinal na affidavit at wala namna umanong sapat na batayan ang nasabing alegasyon laban sa kaniya.

Dagdag pa rito, handa umano siyang harapin ang nasabing alegasyon, lalo’t mistulang bahagi lamang umano ito ng pagtatangkang siraan ang House Prosecution Team para malihis ang atensyon ng publiko mula sa mga isyung sakop ng impeachment complaint.

Facebook Comments