
Nakipagpulong si National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag sa mga opisyal ng Royal Norwegian Embassy at ng Nordic Police Liaison Office.
Kaugnay ito ng pagpapalakas ng kampanya kontra human trafficking at online sexual abuse offenses.
Sumentro ang pagpupulong sa pagpapalakas ng tulungan ng Pilipinas at Norway sa kampanya sa pamamagitan ng pagpapalitan ng impormasyon hinggil sa financial transactions ng human traffickers.
Gayundin ang hinggil sa pagpapalakas sa cross-border cooperation para matukoy ang mga sindikato at para mabuwag ang criminal networks.
Naniniwala rin ang dalawang bansa na ang pagtukoy sa daloy at financial activities ng human traffickers at online exploiters ay mahalaga para sa epektibong imbestigasyon.










