Thursday, June 11, 2026

Mga dokumento kaugnay sa mga gumuho o napinsalang gusali dahil sa lindol, dapat agad i-secure ng Ombudsman

Pinayuhan ni Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano ang Ombudsman na agad i-secure ang mga importanteng dokumento kaugnay sa mga gumuho o napinsalang mga gusali dahil sa lindol.

Ayon kay Valeriano, ang mga kaukulang dokumento ay dapat agad kunin ng Ombudsman mula sa mga engineers ng lokal na pamahalaan, mga building officials, at local Bureau of Fire Protection (BFP).

Punto ni Valeriano, napakaramang gusali sa mga lugar sa Mindanao na tinamaan ng lindol ang bumagsak at nagkaroon ng matinding pinsala.

Hindi inaalis ni Valeriano na nagkaroon ng korapsyon o iregularidad sa konstruksyon ng nabanggit na mga gusali kaya mababa ang kalidad nito na naging sanhi ng madali nitong pagguho o pagkasira dahil sa pagyanig.

Facebook Comments