
Inatasan ng Sandiganbayan ang Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP – CIDG) ng NCR at PNP General Hospital na magsumite ng report kaugnay sa kalagayan ni Senator Rodante Marcoleta.
Batay sa utos ng Sandiganbayan Third Division, kabilang dito ang magkahiwalay na report sa kasalukuyang status ng custody, booking process, at medical condition ni Marcoleta na nananatili sa PNP General Hospital dahil sumasailalim pa sa serye ng medical examination.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na opisyal na commitment order ang korte para kay Marcoleta dahil hindi pa rin siya muling naihaharap matapos dalhin sa Camp Crame noong Lunes.
Nauna nang dinala sa Quezon City Jail – Male Dormitory sa Payatas ang kapwa akusado ni Marcoleta sa kasong plunder na sina Rep. Mike Defensor, Joseph Espiritu, at Aristotle Viray.
Ipinagpaliban naman ng anti-graft court ang arraignment at pre-trial proceedings sa kaso na unang itinakda sa July 10 dahil sa mga pending na mosyon.
Nag-ugat ang kaso sa pagtanggap ni Marcoleta ng P75 million mula kina Defensor, Espiritu, at Viray bilang donasyon sa kampanya na hindi niya idineklara.










