
Binigyang-diin ni House Prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na walang epekto sa impeachment trial kay Vice President Sara Duterte ang 2025 Commission on Audit o COA unmodified opinion sa Office of the Vice President (OVP).
Ang unmodified opinion ay nangangahulugan na sumusunod ang tanggapan sa proseso at maayos ang financial reports.
Pero giit ni Ridon, maaring magkaroon ng unmodified opinion kahit may iba pang nasisilip ang COA tulad ng notice of disallowances sa mga nakalipas na taon.
Kaya naman diin ni Ridon, tuloy pa rin at dapat sundin ni VP Duterte ang utos sa kanya ng COA na isauli ang nasa P448 million na halaga ng confidential funds.
Facebook Comments










