
Hindi pa natatanggap ng kampo nina Senator Robin Padilla ang complaint affidavit mula sa Philippine National Police–Criminal Investigation and Detection Group (PNP–CIDG) kaugnay sa reklamong obstruction of justice.
Sa kabila ito ng pagharap ni Padilla sa Department of Justice (DOJ) ngayong araw matapos ipa-subpoena.
Ayon kay Atty. Jimmy Bondoc, na tumayong counsel para sa kapwa respondent ng senador, napansin ng prosekusyon na kulang pa ang mga dokumento ng PNP-CIDG.
Dahil dito, pinagsusumite muna sila ng dagdag na requirements habang muling ipagpapatuloy ang preliminary investigation sa October 9.
Ibig sabihin, wala ring inihaing counter-affidavit sina Padilla ngayong araw.
Samantala, hindi naman inaasahang dadalo si Padilla sa susunod na preliminary investigation, pero sa November 12 siya pinagsusumite ng kontra salaysay.










