
Hindi pa napapag-usapan ng mga minorya sa Senado ang pagdulog sa Korte Suprema kaugnay sa pagbaba ng threshold para ma-convict si Vice President Sara Duterte (VPSD) ng impeachment court.
Ayon kay Senator Robin Padilla, wala pang pasya ang liderato ng minorya kaugnay sa posibleng paghahain ng petisyon sa SC.
Sinabi ni Padilla na susunod siya kung anuman ang pasya ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano.
Habang hiwalay naman daw ang inihain ng mga pribadong abogado at karapatan daw nila ito.
Nauna nang inihain sa SC ang dalawang magkahiwalay na petisyon na layong humingi ng linaw sa 2/3 ng mga senador na kinakailangan upang maconvict ang Pangalawang Pangulo.
Umapela si dating Executive Secretary Vic Rodriguez sa Kataas-taasang Hukuman na idenlarang null and void ang ruling ng Senate impeachment court at humiling din na maglabas ng temporary restraining order kaugnay sa ruling.
Sa inihaing petition for certiorari and prohibition naman ni Atty. Ernesto Francisco Jr., hiniling niya na maglabas ng status quoe ante order ang SC dahil labag umano sa Saligang Batas ang ginawa ng Senado.










