Friday, September 25, 2026

₱644-B 2027 budget ng DPWH, aprubado sa Kamara

Aprubado na sa Kamara ang halos ₱644 bilyong budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa 2027 matapos ang halos limang oras na deliberasyon.

Kasabay nito, sinabi ni Public Works Secretary Vince Dizon na mahigit 11,000 proyekto ng DPWH ang ilalagay sa Transparency Portal para makita ng publiko kung saan napupunta ang pondo at mabantayan ang aktuwal na pagpapatupad ng mga proyekto.

Giit ni Dizon, kailangang kumpleto sa requirements, napag-aralan nang mabuti at talagang kailangan ng publiko ang bawat proyektong popondohan.

Nagpahayag naman ng suporta sa hakbang si Navotas Representative Toby Tiangco, habang binigyang-diin ni House Minority Floor Leader Marcelino Libanan ang pagtuon ng 2027 budget sa mga proyektong nakabase sa aktuwal na pangangailangan.

Ayon sa DPWH, ipinag-utos din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na isapubliko sa portal ang impormasyon kaugnay ng mga naturang proyekto.

Facebook Comments