
Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang absolute pardon para kay Mary Jane Veloso, na nagbubukas ng daan para sa kanyang paglaya.
Ayon sa pangulo, kahapon, September 24, niya nilagdaan ang pardon ni Veloso.
Nabatid na 16 na taon nang nakakulong si Veloso matapos maaresto sa Indonesia noong 2010 dahil sa pagdadala ng 2.6 kilo ng heroin.
Iginiit ni Veloso na naloko siya ng kanyang mga recruiter at hindi niya alam na may droga sa kanyang maleta.
Noong 2015, napigilan ang nakatakda sanang pagbitay sa kanya.
Noong Disyembre 2024, inilipat si Veloso sa kustodiya ng Pilipinas para ipagpatuloy ang sentensya sa Correctional Institution for Women.
Facebook Comments










