Wednesday, August 12, 2026

Revilla, pinababalik sa kulungan ng ilang grupo

Hindi nagpatinag sa ulan ang ilang civil society groups na kumalampag sa ng Sandiganbayan ngayong Miyerkules, August 12 para ipanawagan na ibalik sa kulungan si dating Senador Bong Revilla.

Mariing kinondena ng grupong Tindig Pilipinas, kasama ang Mamamayang Liberal, August Twenty One Movement, Everywoman, Pinasama, at Alyansa ng Samahang Pantao, ang desisyon ng korte na payagang makapagpiyansa ng P1 billion si Revilla para sa kasong Malversation na may kaugnayan sa maanomalyang flood control project sa Pandi, Bulacan.

Naniniwala ang grupo na matibay ang ebidensya laban sa dating senador, kaya’t nais nklang maibalik ito sa kulungan.

Samantala, ipagpapatuloy naman umano ng mga grupo ang pagkilos para sa accountability, transparency, at equal justice.

Facebook Comments