Wednesday, August 12, 2026

Atty. Ferrer ng defense team, umapela sa impeachment court na huwag payagan ang mga side comments ng prosekusyon laban sa mga kapwa abogado

Hiniling ni Atty. Kristine Ferrer ng defense team kay presiding officer Chiz Escudero at sa impeachment court na huwag payagan ang mga side comments o hindi magagandang pahayag laban sa ibang abogado.

Sa pagbabalik ng trial ngayong hapon, tinukoy ni Ferrer ang pahayag sa media ni Atty. Lorna Kapunan ng prosecution team kung saan sinabi na papaluin o lelecturan siya nito.

Giit ni Ferrer, walang lugar sa court room ang ganitong mga pahayag sabay ng apela kay Kapunan na igalang din ang mga kapwa abogado sa kabila ng edad at tagal nila sa propesyon.

Nangako naman si Kapunan sa harap ng korte na magbe-behave na matapos bawiin ang nasabing hindi magandang remarks.

Matatandaang ilang beses na nagkasagutan sa trial ang dalawang abogado at ilang beses na nag-object si Kapunan sa cross-examination ni Ferrer dahil sa paggamit ng depensa ng dokumento o acknowledgement receipts na hindi dumaan sa stipulation na pinagbatayan ng kanilang cross-exam sa testigong si Commission on Audit–Intelligence and Confidential Funds Audit Office (COA-ICFAO) state auditor Xylene del Campo.

Facebook Comments