Wednesday, August 12, 2026

MMDA, pinabigat ang parusa sa mga nagtatapon ng basura sa Metro Manila

Ipinatupad na sa Metro Manila ang ang mas mabigat na parusa sa mga mahuhuling nagtatapon ng basura kung saan-saan.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA mula sa P500 na multa, umakyat na ito sa P5,000.

Para sa bayan ng Pateros, itinakda ang multa sa halagang P2,500 para sa mga iligal na nagtatapon ng basura.

Una nang nanawagan ang MMDA sa publiko na kailangan ang disiplina at pakikiisa ng bawat mamamayan dahil hindi kayang solusyunan ng gobyerno lamang ang problema sa basura.

Facebook Comments