Monday, August 10, 2026

Pagdinig sa Kamara, ukol sa pagpapalawig ng income tax exemption, tuloy ngayong araw kahit masama ang panahon

Nagpatupad ng work-from-home arrangements ang House or Representatives dahil sa masamang lagay ng panahon at kanselado na rin ang penary session at iba pang committee hearings.

Pero tuloy ang padinig ng House Committee on Ways and Means patungkol sa panukalang batas na pagpapalawig ng halaga ng sweldo na hindi na papatawan ng buwis o income tax.

Ayon sa Chairman ng komite na si Marikina Rep. Miro Quimbo, kailangan nilang ituloy ang pagdinig dahil napakahala ng panukala na isinulong mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kanyang State of the Nation Address para mapalaki ang naiiuwing sweldo ng ating mga kababayan.

Paliwanag ni Quimbo, malapit na ang budget season kaya kung kakanselahin nila ang pagdinig ngayon araw ay baka kulangin sila sa panahon.

Una ng binanggit ni Quimbo na sisikapin nilang maipasa ang panukala ngayong buwan ng Agosto upang makamit ang target na implementasyon nito sa Enero ng susunod na taon.

Magugunitang sa SONA ni Panulong Ferdinand Marcos Jr. ay isinulog nito na maitaas sa 350,000 mula sa kasalukyang 250,000 ang kabuuang halaga ng sweldo sa loob ng isang taon na hindi papatawan ng income tax.

Facebook Comments