
Ipinauubaya na ng Malacañang sa Office of the Ombudsman ang desisyon kung isasailalim sa preventive suspension si Health Secretary Anthony Pujalte kaugnay ng reklamong isinampa laban sa kanya.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nasa hurisdiksiyon na ng Ombudsman ang kaso kaya ito na ang magpapasya kung kailangan ang preventive suspension habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Matatandaang isinampa sa Office of the Ombudsman ang reklamo laban kay Pujalte, kabilang ang alegasyon ng umano’y pagpapahinto sa procurement para sa tuberculosis program.
Samantala, sinabi ni Castro na wala pa siyang natatanggap na impormasyon kung nakausap na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Pujalte tungkol sa isyu.
Facebook Comments










