PNP, nagpaabot din ng pakikiramay sa naulilang pamilya ng beteranong brodkaster na si Mike Enriquez

Taos pusong nakikiramay ang liderato ng Philippine National Police (PNP) sa pagpanaw ng beteranong brodkaster na si Mike Enriquez.

Sa statement ng PNP, sinabi nitong mataas ang kanilang paggalang at pagkilala kay Mike Enriquez bilang isa sa mga matitibay na haligi sa larangan ng pagbabalita at pamamahayag sa Pilipinas.

Anila, sa maraming pagkakataon, nasaksihan ng PNP kung paano pinasigla at binigyang buhay ni Mike Enriquez ang broadcast industry sa pamamagitan ng epektibong komunikasyon na pang- masa at paglalahad ng pawang katotohanan lamang na balita.


Isa rin anila si Mike Enriquez sa mga inpirasyon ng Pambansang Pulisya na naghubog ng kanilang pamantayan sa pampublikong impormasyon at epektibong pagbabalita ng mga pangyayari sa ating lipunan.

Facebook Comments