Malakanyang: Mga pribado at pampublikong sektor sa bayan ng Loon sa Bohol, walang pasok sa September 8

Inanunsiyo ng Malakanyang na walang pasok sa pribado at pampublikong sektor sa Setyembre 8 ngayong taon sa bayan ng Loon sa Bohol.

Ito’y upang bigyang-daan ang selebrasyon ng SidlaKasilak Festival o “festival of the lights” kung saan tampok dito ang mayaman at natatanging kultura ng bayan.

Batay sa Proclamation No.315 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, idineklara nito bilang special non-working day ang Setyembre 8 para sa selebrasyon ng nasabing kapistahan.


Sinabi pa ng kalihim na sa ganitong paraan ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan ng Loon na makibahagi at makiisa sa pagdiriwang.

Facebook Comments