
Arestado ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) sa pakikipagtulungan sa Philippine Army ang 4 na indibidwal sa isinagawang operasyon sa Madalum, Lanao del Sur.
Ayon sa ulat , nakatanggap ang militar ng impormasyon sa 2 truck na naglalaman ng mga hinihinalang puslit na sigarilyo na dadalhin sana sa Marawi City.
Narekober sa kanila ang 1,488 master cases ng hinihinalang smuggled cigarettes na tinatayang nagkakahalaga ng higit ₱63 million.
Nahaharap ang mga nasabing akusado sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10863, o ang Customs Modernization and Tariff Act, at ang Republic Act No. 10643, o ang Graphic Health Warnings Act.
Facebook Comments










