
Binigyang-diin ni House prosecutor and Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na hindi natibag si National Bureau of Investigtion (NBI) Director Melvin Matibag sa kanyang pagharap sa Impeachment Trial bilang testigo sa alegasyong pagbabanta ni Vice President Sara Duterte na ipapapatay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kanyang pamilya.
Ayon kay Ridon, hindi nya maintindihan ang pinagsasabi ng abogado ng depensa na tismis lang ang ilan sa mga inilahad ni Matibag tulad ng pagbabanta ni VP Sara sa buhay ng Pangulo at iba pang personalidad at ang ginagawang imbestigasyon dito ng NBI.
Giit pa ni Ridon, hindi rin dapat gawan ng isyu ang pag-endorso ng misis ni Matibag na si Laguna First District Rep. Ann Matibag sa House resolution na naglalaman ng Articles of Impeachment laban kay VP Duterte.
Tiwala si Ridon na mabibigo muli ang depensa na tibagin si Matibag sa muling pagharap nito sa impeachment court ngayong araw.
Yan po pang pahayag ni Rep. Ridon sa pulong balitaan kagabi matapos ang unang beses na pagsalang ni Matibag sa witness stand ng Impeachment Trial.










