
Ibinahagi ni Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. sa isinagawang press briefing ang pagkonsidera sa pagban ng paggamit ng social media ng mga menor de edad kasunod ng pagtalakay nito sa ika-44 na Association of Southeast Asian Nation Chiefs of Police o ASEANAPOL na ginanap sa bansa.
Kung saan nabanggit ni Nartatez ang insidente sa paaralan sa Tacloban na kinasangkutan ng mga menor de edad na napagalaman na naimpluwensyahan ng isang laro para gumawa ng karahasan at ito ay nagresulta sa pagkasawi ng 3 mga estudyante at pagkasugat ng 20 iba pa.
Ayon kay Nartatez, pwedeng gayahin o iimprove ang batas ng Australia kung saan banned ang paggamit ng social media sa mga menor de edad na 16 na taong gulang pababa.
Nabatid na isa ang bansang Australia sa mga bansang nakilahok sa nasabing conference kung saan sila ay naging mga observers at ang official dialogue partner ng ASEANAPOL.










