Thursday, September 3, 2026

PNP, tiniyak ang mas pinaigting na presensya sa pagsisimula ng “ber” months

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga police units sa buong bansa na paigtingin ang kanilang presensya at pagpapatrolya sa mga lugar na inaasahang dadagsain ng mas maraming tao habang nagsisimula ang “ber” months .

Aniya, ang kanilang prayoridad ay maiwasan ang krimen bago pa ito mangyari at matiyak na ligtas at mapayapa ang holiday season.

Nanawagan rin ito sa publiko na manatiling alerto laban sa mga krimen kagaya ng pagnanakaw at scams na talamak kapag ganitong panahon.

Dagdag pa niya, kailangang magtulungan ang pulisya at publiko upang mapanatiling ligtas ang mga komunidad sa buong panahon ng kapaskuhan.

Facebook Comments