
Pormal ng nanumpa si dating Dasmariñas City Mayor Jennifer Barzaga bilang bagong nanalong kinatawan ng ika-apat na distrito ng Cavite ngayong 20th Congress.
Pinangunahan ni House Speaker Faustino Bodjie Dy III ang panunumpa ni Barzaga sa plenary session kahapon ng House of Representatives.
Isinulong ni House Majority Leader Rep. Sandro Marcos ang panunumpa ni Barzaga makaraang matanggap ang certificate of canvass at proclamation mula sa Commission on Elections (COMELEC).
Si Congresswoman Barzaga ay nagwagi sa special elections na isinagawa nitong August 29.
Pinalitan nya ang anak na si dating Rep. Kiko Barzaga na napatalsik bilang miyembro ng Kamara nitong Hunyo dahil sa mga ethics complaints na nag-ugat sa kanyang mga posts sa social media at hindi umano nararapat na asal bilang mambabatas.










