Tuesday, September 1, 2026

Nararanasang haze sa Metro Manila at karatig lalawigan, posibleng magtagal ng buong linggo—OCD

Patuloy ang isinasagawang monitoring ng Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau (DENR-EMB) sa kalidad ng hangin sa mga lugar na apektado ng haze kabilang ang National Capital Region, CALABARZON, at MIMAROPA, na posibleng dulot ng usok mula sa nangyaring wildfire sa Indonesia.

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Deputy Administrator Assistant Secretary Raffy Alejandro, nakikipag-ugnayan na ang EMB sa ibang science agencies sa labas ng Pilipinas para sa projection ng direksyon ng nasabing haze.

Aniya sa kanilang inisyal na impormasyon ay posibleng maranasan ito buong linggo lalo na sa Southern part ng bansa sa Mindanao at Visayas.

Makikipag-ugnayan na rin sila sa PAGASA para tingnan kung magbago pa ang direksyon ng kalidad ng hangin na nararanasan sa bansa.

Samantala, pinapayuhan ng OCD ang publiko na limitahan ang mga aktibidad sa labas, magsuot ng face mask, isara ang mga siwang at iba pang openings upang mabawasan ang pagpasok ng maruming hangin sa loob ng bahay at at manatiling updated sa mga opisyal na abiso ng mga awtoridad.

Facebook Comments