
Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtatayo ng 13 bagong pumping stations sa loob at paligid ng Metro Manila bilang dagdag na hakbang laban sa pagbaha.
Ayon kay Pangulong Marcos, target na mailagay sa operasyon ang mga bagong pumping station bago matapos ang taon o sa unang bahagi ng 2027.
Kailangan aniyang dagdagan ang kapasidad ng pumping stations dahil mas marami ang tubig na bumabagsak kapag umuulan kumpara sa mga nakaraang taon.
Sa kabila nito, sinabi ng pangulo na nananatiling malaking problema ang basura na pumapasok sa pumping stations at nakababawas sa kanilang efficiency.
Kaya kasabay ng pagpapalakas ng flood-control system, naghahanap din ang gobyerno ng paraan para mapakinabangan ang basura, kabilang ang paggawa ng compost at pagpapatupad ng waste-to-energy program.










