Wednesday, August 19, 2026

Karahasan, wala dapat puwang sa mga paaralan

Mariing kinondena ni Zamboanga City 2nd District Representative Jerry Perez ang nangyaring pamamaril sa Ateneo De Zamboanga University at humihiling siya ng malalim at patas na imbestigasyon.

Giit ni Perez, wala dapat puwang ang karahasan sa mga paaralan.

Diin ni Perez, hindi dapat nakakaramdam ng takot ang mga estudyante, guro at miyembro ng school community para sa kanilang kaligtasan sa isang institusyon na dapat ay nakatutok sa pagtuturo at paghubog ng mga kabataan.

Pinuri naman ni Perez ang mabilis na aksyon ng school administration, mga awtoridad at emergency responders.

Una ring nagpa-abot ng pakikiramay si Perez sa pamilya ng mga nasawing biktima ng trahedya, at nanawagan siya ng patuloy na panalangin para sa mga nasaktan, at sa buong Ateneo community na nagdurusan din dahil sa trahedya.

Facebook Comments