Police Regional Office 9, pinapurihan ni CPNP Azurin dahil sa malaking pagbaba ng krimen sa rehiyon

Binati ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., ang Police Regional Office (PRO) 9 sa malaking pagbaba ng krimen sa rehiyon.

Sa kanyang pagbisita sa PRO 9 Headquarters sa Camp Col. Romeo Abendan, Barangay Mercedes, Zamboanga City kahapon, personal na pinasalamatan ng PNP Chief ang mga pulis sa kanilang dedikasyon at pagsisikap na mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon.

Kinilala ni Azurin ang tagumpay ng PRO 9 sa kampanya kontra droga, loose firearms, at mga wanted na kriminal at terorista; gayundin ang magandang resulta ng kanilang anti-smuggling at anti-gambling campaign.


Bilang bahagi ng kanyang pagbisita, pinangunahan ni Gen. Azurin ang pagpapasinaya sa bagong tayong Zamboanga Police Station 10.

Facebook Comments