Thursday, July 9, 2026

Sen. Padilla, hiniling na makadalaw kay Sen. Marcoleta sa PNP General Hospital

Nais ni Senator Robin Padilla na madalaw si Senator Rodante Marcoleta na kasalukuyan ngayong nasa Philippine National Police (PNP) General Hospital.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group – National Capital Region (CIDG-NCR) Director John Guiagui, nagbigay ng request si Padilla sa CIDG para sa nasabing pagbisita.

Si CIDG Director MGen. Robert Morico ang mag-aapruba nito.

Hindi naman binigay ni Guiagui kung anong oras o araw dadalaw ang nasabing senador.

Ayon pa kay Guiagui, sa pagkaalam nito ay si Padilla pa lang ang nag-request ng pagbisita.

Ayon sa PNP, alas otso ng umaga hanggang alas tres ng hapon pwedeng bumisita sa ospital sa Camp Crame.

Pinapayagan naman ang isang bantay kada pasyente sa ospital.

Facebook Comments