Friday, July 3, 2026

CIDG, tiniyak na ipatutupad ang mandato sa pag-aresto sa lahat ng warrant of arrest na ilalabas ng korte

Tiniyak ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na ipatutupad nito ang kanilang mandato sa lahat ng mga may warrant of arrest sa buong bansa.

Ayon kay CIDG Spokesperson PMAJ. Helen Dela Cruz, iimplementa nila ang lahat ng order ng korte at ipatutupad ang lahat ng warrants nang walang kinikilingan.

Nabatid na sinampahan na ng Ombudsman sina Senator Rodante Marcoleta ,Mike Defensor at dalawang iba pa para sa kasong plunder kung saan wala itong rekomendang piyansa.

Dahil dito ay inaasahan naman na anumang araw ay posible nang lumabas ang warrant of arrest para sa nasabing mga indibidwal.

Facebook Comments