
Binatikos ng isang International Peace Advocate ang mga ginawang desisyon ni United States (US) President Donald Trump simula ng muling maupo ito sa posisyon.
Sa Isang forum sa Quezon City, partikular na binatikos ng President and Executive Director ng International Peace Bureau (IPB) na si Reiner Braun ay ang polisiya ni Trump ang mass deportation ng mga migrante sa US.
Ayon kay Braun, kailangan maintindihan ni Trump na hindi lamang ang kapakanan ng America ang dapat iniintindi ng US dahil sa lawak ng responsibilidad nito sa buong mundo.
Binatikos din ni Braun ang paglalaan ng mahigit $2-T na pondo kada taon para sa military complex ng US dahil mas maigi sanang maglaan ng mas mataas na budget para sa climate fund ng United Nations (UN).
Facebook Comments