Tuesday, November 3, 2026

Dagdag-sahod sa iba pang rehiyon, asahan din — DOLE

Asahan din ang dagdag-sahod sa iba pang rehiyon sa bansa.

Ito ang tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) kasunod ng pag-apruba ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) sa umento sa sahod sa Western Visayas at SOCCKSARGEN.

Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, may mga nakabinbin pa ring mga pagtalakay sa dagdag sa minimum na sahod gaya ng Central Luzon.

Sa ngayon ay patuloy naman ang koordinasyon ng kanilang regional offices sa Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPB) kaugnay sa usapin ng pagpapatupad ng mga bagong dagdag sa minimum wage.

Samantala, may sampung araw naman ang mga employer at mga manggagawa na nais umapela sa pinakahuling bagong wage order na ipinatupad.

Sinabi pa ng kalihim na pwedeng humingi ng tulong ang mga kumpanyang mahihirapang makasunod sa dagdag-sahod sa pamamagitan ng iba’t ibang programa ng kagawaran at maaari ring mag-apply ang mga kwalipikado para sa exemption.

Facebook Comments