Wednesday, October 14, 2026

POTUS, bibisita sa Pilipinas sa Nobyembre

COURTESY: The White House

Kinumpirma ng Malacañang na darating sa Pilipinas si United States President Donald Trump sa Nobyembre para sa ASEAN Summit.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, wala pang ibinigay na iba pang detalye tungkol sa pagbisita ng lider ng Amerika.

Ang Pilipinas, sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang kasalukuyang chair ng ASEAN ngayong 2026.

May temang “Navigating Our Future, Together” ang ASEAN ngayong taon.

Facebook Comments