
Wala nang inaasahang tulong ang Malacañang mula sa Office of the Vice President (OVP) sa paghahanda ng gobyerno laban sa epekto ng El Niño.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, kung noon pa man ay hindi na ibinahagi ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang paraan para maibaba sa ₱20 ang kada kilong bigas, wala ring inaasahan ang administrasyon mula sa OVP sa pagtugon sa tagtuyot.
Sinabi ni Castro na dapat patunayan ni Duterte kung naibebenta na sa ₱20 kada kilo ang bigas sa Davao City nang hindi dumadaan sa Kadiwa ng Pangulo.
Sa ngayon, nakatuon ang gobyerno sa mga hakbang upang matiyak ang suplay ng tubig at pagkain sa harap ng inaasahang epekto ng El Niño.
Facebook Comments










