Mga mamimili sa Divisoria ng Christmas decorations, dumarami na!

61

Unti-unti nang dinudumog ang Divisoria ng mga namimili ng palamuti para sa Pasko.

Mabenta ngayon ang Christmas tree na naglalaro sa P200 hanggang P2,000 ang halaga depende sa laki at kalidad.

Abot-kaya rin ang Chrismtas balls, Christmas socks at parol.


Pupuwede ring magpatulong sa mga tindera ng setup ng inyong Christmas tree batay sa kaya ng iyong budget.

Kasunod ng pagdami ng tao sa pamilihan, muling nagpaalala ang pulisya na mag-ingat sa COVID-19 at sa mga mandurukot.

Mapapansin naman na mas pinili ng publiko ang pagsusuot ng face mask sa kabila ng pagluluwag sa panuntunan nito dahil siksikan ang mga tao sa Divisoria.



Facebook Comments