Presidential debate ng Comelec, itinakda na sa Marso 19

Itinakda na ng Commission on Elections (Comelec) ang pinakauna nitong presidential debate sa Marso 19.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, kinumpirma ng lahat ng mga kandidato sa pagkapangulo ang pagdalo nila sa debate.

Nilinaw rin ng poll body sa mga kandidato na wala silang ibibigay na advanced questions at hindi sila papayagang magdala ng kahit ano kapag nakatayo na sila sa podium.


Nabatid na magsasagawa ang Comelec ng tatlong presidential debate.

Samantala, dadalo rin sa vice presidential debate ng Comelec ang lahat kandidato sa pagka-bise presidente maliban kay Buhay Party-List Rep. Lito Atienza dahil sa medical reasons.

Facebook Comments