Partylist system, gustong repasuhin ni Mayor Isko Moreno

Plano ni Aksyon Demokratiko presidential bet Mayor Isko Moreno na irebisa ang sistema ng partylist sa bansa sakaling manalo sa darating na halalan.

Ayon kay Moreno, dapat daw na ang orihinal na layunin nito ay mabigyan ng representasyon ang mga sektor o grupo na kulang o walang representasyon sa kongreso.

Pero lumipas na umano ang panahon, mistulang mayayaman na lamang ang nakikinabang sa partylist system mula ng ipatupad ito sa bansa.


Giit pa ng alkalde, nagagamit ng mga mayayaman ang kanilang pera para makapwesto.

Kaya’t ito ang dahilan para tuluyang mawalan ng boses ang mga lehitimong sektor na dapat nakikinabang sa partylist system.

Dahil dito, nais ni Moreno na lagyan ng safety measure ang partylist system para hindi ito magamit sa pansariling interes ng mga abusadong indibidwal.

Facebook Comments