
Inamin ni Senator-elect Tito Sotto na may mga senador ang kumausap sa kanya para maging Senate president sa pagpasok ng 20th Congress.
Ayon kay Sotto, nasa tatlo hanggang apat na senador na ang kumausap sa kanya para kumbinsihing tumakbo sa pagka-Senate president.
Pero paglilinaw ni Sotto, hindi siya umiikot para magpapirma at kumuha ng suporta sa mga senador dahil old school ang kanyang istilo.
Kung makabuo aniya siya ng 13 boto ay nakahanda siyang tanggapin ang posisyon.
Gayunman, hindi pa nagkakausap si Sotto at Senate President Chiz Escudero tungkol dito pero kung makabuo man siya ng sapat na bilang para maging lider ng Senado ay tiyak na pag-uusapan muna nila ito.
Facebook Comments