Presyo ng petchay sa Baguio, bumagsak sa P4 kada kilo

Bumagsak sa P4 kada kilo ang presyo ng petchay sa Baguio dahil sa sobra-sobrang supply dulot ng Community Quarantine dahil sa COVID-19.

Nagkaroon din ng oversupply ang mga manok at baboy dahil sa bumababang bilang ng mga namimili.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang mga magsasaka sa lokal na pamahalaan ng Baguio para humingi ng tulong na maibenta sa kanilang mga produkto.


Facebook Comments