
Kinumpirma ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na may 6 na indibwal silang inirekomendang sampahan ng kasong Obstruction of Justice kaugnay ito ng pagtulong sa pagtakas ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na may warrant of Arrest mula sa International Criminal Court (ICC).
Ayon kay CIDG Director PMGen. Robert Morico II, kasama sa 6 na ito si Senator Robin Padilla , ang may-ari ng sasakyan na nagsilbing back up car at ang babaeng security officer ni Senator Padilla.
Napag-alaman din na ang may ari ng nasabing back up car na isang pick-up na sasakyan ay anak ng tito ni Senator Robin.
Kaugnay nito, patuloy naman ang pagsumite ng CIDG ng mga karagdagang ebidensya sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng nasabing insidente.
Facebook Comments










