Prime suspect sa pagkawala ni Catherine Camilon na si Police Major Allan de Castro, ipina-cite in contempt ng Senado

Ipina-contempt ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs si Police Major Allan de Castro, ang prime suspect sa pagkawala ng beauty Queen na si Catherine Camilon.

Sa pagdinig ng Senado, nagmosyon si Senator Robin Padilla na ipa-cite in contempt si De Castro matapos na magsinungaling ito sa komite.

Pilit na itinatanggi ni De Castro sa komite na may relasyon sila ni Camilon.


Dito ay iginiit ni Committee Chairman Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa na nagsisinungaling si De Castro sabay sabi na hindi siya kuntento sa mga paliwanag nito.

Dito ay ipinag-utos na ni Dela Rosa ang pagpapa-cite in contempt sa police major at pansamantala munang mananatili sa kustodiya ng Senado.

Ito ang unang pagkakataon na humarap sa imbestigasyon si De Castro na pangunahing suspek sa pagkawala ni Camilon.

Facebook Comments