4 na dayuhang sex offenders, naharang sa NAIA

Apat pang dayuhang sex offenders ang naharang sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 matapos matuklasan na convicted ang mga ito sa sex crimes sa kanilang bansa.

Sila ay kinabibilangan ng Australian, 2 Amerikano, at isang German.

Kinilala ng Bureau of Immigration ang Australian sex offender na si Romeo Monje, 89 habang ang dalawang US nationals ay sina John Kenneth Hayes,48 at Sherman Elliot Douglas, 64.


Habang ang German sex offender ay si Ralf Bultschnieder.

Ang apat na dayuhang pasahero ay agad na pina-deport at inilagay na rin sa blacklist ng Bureau of Immigration.

Facebook Comments