
𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢, 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗟𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗕𝗘𝗥𝗜𝗣𝗜𝗞𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗠𝗣𝗢𝗥𝗠𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗥𝗢𝗟𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗟𝗟𝗦
RAMON, ISABELA — Nagpaalala ang lokal na pamahalaan sa publiko na maging mapanuri sa mga impormasyong kumakalat online kaugnay ng Rolling Hills, na itinuturing na isa sa mga tourist destination ng Ramon, Isabela.
Binigyang-diin na anumang balita tungkol sa umano’y pagbabago o development sa lugar ay dapat munang beripikahin at tiyaking nagmumula sa opisyal at mapagkakatiwalaang source.
Hinikayat din ang publiko na pangalagaan ang likas na ganda ng Rolling Hills at iwasang magpakalat ng impormasyong walang sapat na batayan.
Paalala ng LGU Ramon, maging responsable sa paggamit ng social media at suriin muna ang impormasyon bago ito ibahagi upang hindi maging bahagi ng pagkalat ng fake news.









