
โIpinamalas ni Thea Lacanlalay ang kanyang ganda, kumpiyansa at husay matapos tanghaling 1st Runner-Up sa Miss Global Elite 2026 na ginanap sa Jakarta, Indonesia.
โ
โBilang pambato ng Pilipinas, naging malaking karangalan ang pagkamit ni Thea ng naturang titulo para sa bansa, gayundin sa lalawigan ng Cagayan at lungsod ng Tuguegarao na kanyang pinagmulan.
โ
โBago tumungo sa international competition, nag-courtesy call si Lacanlalay kay Cagayan Governor Egay Aglipay upang humingi ng suporta. Ipinahayag naman ng gobernador ang kanyang buong pagtitiwala sa kakayahan ng kandidata.
โ
โSa kanyang tagumpay, muling pinatunayan ni Thea na kayang makipagsabayan ng mga Filipina sa pandaigdigang entablado at magsilbing inspirasyon sa mga kabataang nangangarap na makilala ang kanilang talento.










