
Ipinag-utos ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang pagpapatuloy ngayong Huwebes, June 11 ng face-to-face na pagtatrabaho ng mga empleyado sa mga tanggapan ng ahensya sa Davao at Cagayan de Oro.
Kasunod yan ng pag-aapruba ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa muling paggamit ng gusali ng ahensya, matapos ang kanilang quick assessment kaugnay ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Samantala, nitong Miyerkules, June 10 naman ay nagpatuloy na ang operasyon ng tanggapan ng ahensya sa Jolo at Zamboanga.
Facebook Comments










