LALAKI, ARESTADO SA KASONG RAPE BY SEXUAL ASSAULT SA MALASIQUI

Arestado ang isang lalaki sa isinagawang operasyon ng Malasiqui Police Station kaugnay ng kasong Rape by Sexual Assault.

Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng isang Warrant of Arrest na inilabas ng Family Court, First Judicial Region, Branch 13 sa San Carlos City, Pangasinan.

Ayon sa pulisya, may itinakdang piyansa ang hukuman na nagkakahalaga ng P200,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Malasiqui Police Station ang suspek habang isinasagawa ang kaukulang dokumentasyon at iba pang legal na proseso para sa tamang disposisyon ng kaso.
| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments