Pagdating sa Volleyball, maituturing na sigurong Home of the Champions, ang bayan ng Umingan!
Muling pinatunayan ng mga batang atleta mula sa Umingan National High School Boys Volleyball Team ang kanilang galing sa larangan ng volleyball matapos mag kampeyon sa Developmental Division ng Boys under 18 sa League of Learners Institutions and Sports Inter – School and Club Volleyball League (LLIS-V League) na ginanap nitong May 28 to 30, 2026.Maliban naman sa overall championship sa naturang division ay nagkaroon rin ng individual awards ang ilan sa mga miyembro nito.
Tinanghal na Best Setter si Vince Jyle Serceña at Mc Kenneth Julian habang Best Open Hitter naman si John Edward Nazareno at Best Middle Blocker si Mico Reden Tumbaga.
Sa ipinakita nilang dedikasyon, husay, at pagmamahal sa larangan na ito ng sports, maituturing silang inspirasyon sa kanilang mga kababayan na kapag pursigido, tiyak mai-uuwi ang kampeyonato! | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










