
CAUAYAN CITY – Inilunsad ng City Mobile Force Company (CMFC) sa K
lungsod ng Santiago ang Project T.A.L.A.S. o Training in Arresting, Life-saving Actions and Security sa Barangay Villa Gonzaga Community Center.
Ang nabanggit na aktibidad ay dinaluhan ng mga barangay tanod at tricycle drivers sa lungsod.
Ang proyekto, na isinagawa sa pakikipagtulungan ng Santiago City Medical and Dental Team at CCADU–SCPO, ay layong palakasin ang kakayahan ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa pagpapanatili ng kaayusan at pagbibigay ng pangunang lunas sa mga komunidad.
Kabilang sa mga itinuro ang mga basic arresting at handcuffing techniques ni PLT Rodrigo Saculles, at basic life support ng medical team. Itinuturing ito bilang isa sa mga pinakamahusay na inisyatibo ng CMFC para sa mas ligtas at mas maalam na barangay.