
Kinumpirma ng Office of the Vice President (OVP) na natanggap na nila ang writ of summons ng Senado para kay Vice President Sara Duterte.
Kaugnay pa rin ito ng impeachment complaint laban kay VP Sara.
Ayon sa OVP, 11:05am dumating ang mga tauhan ng Senado na nagdala ng writ of summons.
Inihayag naman ng isa sa mga abogado ng Pangalawang Pangulo na tumanggi munang magpabanggit ng pangalan, na naghihintay rin sila ng abiso mula sa tanggapan ni VP Sara para sa kanilang mga susunod na ligal na hakbang.
Sampung araw ang binigay kay VP Sara para sumagot sa summons, habang limang araw naman sa prosekusyon para sa kanilang tugon.
Facebook Comments